So, why “Dragon“?
“This essay is made as one of the journalist, a feature-writer, he once mentored for 3 years.” – Mark Jonathan Boniog
Sir Alvin Sy, na binibigyan namin ng nickname na dragon. Bakit? Andiyan na yung medyo masungit niyang ugali kapag di namin nagagawa mga pinagagawa niyang articles, masungit niyang ugali kapag di namin nagagawa ng maayos yung mga ineexpect niyang magawa namin sa dyaryo, at masungit rin kung minsang nawawalan na kami ng gana na magsulat at mabagot sa pagiging journalist. Pero at the same time, siya yung pinakafierce na dragong umaruga, naglinang at kumupkop sa amin bilang mga anak niya sa pamilya ng “Talampas”.
He once said,”Di kayo mananalo kung wala kayong kumpyansa sa mga sarili niyong manalo.” Tinuruan niya ako ng totoong tagumpay sa likod ng sariling paghihirap at sikap. He was there when I don’t feel like writing anymore, pounding his ideals to win on my ego. Saklawin man ng damdamin at kung aking sasariwain, when I finally won the first place once in the Division Schools Press Conference on the feature-writing event, I first thought of him, thanked him to the bottom of my heart kasi alam ko na kapag wala siya at ang kanyang walang sawang paglinang sa mga kakayahan ko, magiging pangarap na lamang iyon. Oh how sweet that feeling na nagbunga lahat ng pinagpaguran namin, kahit sa division level lang. Ang importante naibigay ko yung handog ko para sa kanya bilang munting kapalit sa lahat ng pagod na ibinuhos niya para sa akin.
It really is a fun with him by our side. Sa sobrang kwela niyang kasama na sinabayan pa iba pang kasamahan niyang SPA sa aming journalist family, siguradong buhay na buhay ang diwa ng bawat isa. Kumbaga sa katawan, siya yung puso na nagpapatibok sa amin parati para kami’y gumalaw. Siya a dragong bumubuhay sa amin.